Thursday, April 2, 2009

Bakit nga ba?

Bakit nga ba ang tao ang hilig mag-expect?
Ayan tuloy, ‘pag hindi na-meet ang expectations todo emote naman.
Cry me a river ang drama. The truth is, from the very start, alam mo naman na hindi ka dapat mag expect eh. But, what can we do, human nature daw, oh di sige, cry ka na lang hanggang mamaga eye bags mo!

Bakit nga ba ang tao ang hilig mag pretend?
Laging sinasabi na okay na sya, when in fact, my heart is still bleeding, ouch!
Most of the time pinipilit ang mga bagay bagay, pati yung healing minamadali.
Can’t you just wait for the wounds to heal naturally, ‘ika nga eh in God’s time.
Lalo tuloy nagiging complicated ang buhay sa kakamadali natin.

Napaisip tuloy ako, lahat nga ba ng sugat pwedeng mag heal? Ang alam ko pag nadapa ka at nagsugat ang tuhod mo, soap and water, agua oxigenada (spell check,pls) plus betadine lang ang katapat. Well kung merong cuts, hmmm ilang stitches kaya ang gagawin ni doc? Pero at least alam mo maghihilom diba? Eh pano kung ang puso mo ang nasugatan? Maghihilom din kaya? Sabi nila time heals all wounds. Pero parang ayaw ko maniwala. Bakit ganun, feeling ko hindi naman. Feeling ko matatakpan lang for a while yung sugat sa puso, pero hindi totally maghihilom. Well, ain’t saying na maniwala ka, sabi ko nga, feeling ko lang naman ito. Kaya ako, iiwasan ko masaktan yung mga taong nandito sa puso ko. Pero bakit ganun, kadalasan, kung sino po yung pinakamalapit sa puso mo sya pa ang nananakit ng sobra sa yo?

Bakit nga ba?